Sunday, March 20, 2011

MASELANG BAGAY ANG SUMUSO NG BURAT

MASELANG BAGAY ANG SUMUSO NG BURAT
ni Atty. Nicholas Pichay

I
Maselang bagay ang sumuso ng burat
Baka hindi mo magustuhan agad-agad
Wag kang basta mandadakma sa dilim
Kung ayaw mong masubo sa alanganin
Wag rin naman sanang magsisinungaling
Sa sariling nakakaalam ng himig
O gumamit ng sukatang panlipunan
Nang hindi iniisip ang pinagmulan
Maselang bagay ang sumuso ng burat
Hindi parang kaning madaling iluwa

II
Dapat tama ang pagkakahugis ng bibig
At walang tulis ang ngiping sumasabit
Bukas din dapat ang daang lalamunan
Para kung sumagad ay di mabulunan
Pag hindi pa siya mapaungol sa sarap
Baka naman ang pinapaltos mo’y sapsap
Maghanap na lang ng ibang maturingan
Hitik ng sirena an gating lipunan
Maselang bagay ang sumuso ng burat
Hindi dapat iniaalok sa lahat

III
At hindi tototo ang mga sabi-sabi
Na darang ang pag-ibig ng lakambini
Kung ang hamak na pastol na katulad ko
Ay nakatagpo ng gwapong binatilyo
Habang naglalakad sa may tabing ilog
Kinudlit niya ang aking libog
Matapos ang mainit na espadahan
Nagsumpa ang wagas sa lilim ng buwan
Maselang bagay ang sumuso ng burat
At langit ang makahanap ng katapat

IV
Mag-iiwan sana ng munting habilin
Payo lang naman, huwag sanang dibdibin
Ang marubdob at itim na paninira
Gawa ng santo-santong paniniwala
Sapagkat ang sukatan ng pagkatao
Wala sa kulay, dunong o astang pabo
Nasa pagkabusilak, pagkadakila
Ng tunay na pagmamahal ng kapwa

Maselang bagay ang sumuso ng burat
Iyan ang kailangang malaman ng lahat
Walang dahilang itago’t pandirihan
Bumangon sa dilim aking kaibigan

Wednesday, March 2, 2011

unang subok




i attempted to write in a language i am not that really familiar of. here is the product of it:


Martir

May mga bagay minsan na di mo matanto.
Mga bagay na nag-uudyok na gumawa ng kuro-kuro.
Pero minsa’y kuro-kuro ang may dahilan,
Sa pag-pagal ng pusong di napigilan.

Ang tao nga naman pag hindi napigilan,
Hahamukin lahat pati ang kawalan.
Mag-iisip ng dahilan para lang matanto,
Kung ano ang hinahanap ng puso.

Puro sakit man ang nakikinita,
Ipipilit ng ipipilit hanggang tumihaya.
Puro sakit man ang nadaanan,
Di pa din papipigil sa nararamdaman.

Martir man kung ituring ng karamihan,
Pagmamahal lang ang inaasam.
Di pa din padadaig,
Sa nararamdamang pag-ibig.